Mga Post

No Puhunan? No problem!

Imahe
Kung naghahanap kayo nang mapagkakakitaan ngayong 2021, o extra income, sideline, part time o kung anumang puwede pagkakakitaan na legal, at hindi na kailangang mandaya o manlamang pa nang kapwa. May irerekomenda akong isang legal na paraan sa paghahanapbuhay na puwedeng pagkakakitaan ng mga online seller's, at ang maganda rito ay libre lang, wala kayong ilalabas na puhunan kahit na singkong, duling! Kaya walang scam dito. Isa sa pinakamagandang bahagi sa irerekomenda ko ay magkakaroon kayo ng sarili ninyong online store na mayroon ng thousands of products na puwede ninyong ibenta online, maipromote nyo sa mga social media accounts o baka may mga friends kayong mahilig mag-online shopping, puwede ninyo silang irekomenda sa inyong online store. At kapag may bumili sa tindahan mo kikita kayo ng commission na puwedeng iwithdraw sa Gcash, PayMaya o sa mga piling Banko ng Pilipinas. Paki-click ng link  kung gusto nyo makita ang online store ko. Walang babayaran ang pagkakaroon ng gan...

Ganid sa Kapangyarihan

Imahe
Credit: CNN Philippines   "Hindi ko nilalahat ang mga angkan ng Ampatuan." Ngunit, ang iilan sa kanila ay kabilang sa mga Politikong ganid at uhaw sa kapangyarihan!  Mga walang pakialam sa buhay ng ibang tao, basta't gagawin ang lahat kahit sa hindi tamang pamamaraan 'wag lamang mawala sa kanila ang itinuturing nilang "kapangyarihan."  Ang Politika! Ganito, ang mga nasa utak ng pamilya Ampatuan (hindi ko nilalahat) , lalo na doon sa tatlong itlog na bugok, walang iba, kundi ang mag-aamang mamamatay-taong Ampatuan, ang mga kilalang warlord daw ng Maguindanao! Pweeeee! Gusto kong duraan ng plema ang mga pagmumukha nyo! Hindi na natin kailangang irespeto ang mga putang-inang mag-aama na'to! Bakit? Noon bang pinatay at minasaker nila ang may 58 katao ng walang kalaban-laban, sa palagay nyo may respeto at awa silang nararamdaman sa buhay ng mga biktima? Sigurado akong, Wala! Wala! Wala! Ang pamilyang ito kasi ay gustong maghari sa Maguindanao, ...

HAPPY NEW YEAR!

Imahe
Happy New Year sa inyong lahat mga kabayan! Lalo na sa mga katulad kong nagsisikap at naghahanap-buhay ng patas at parehas, alang-alang sa pamilya at sa mga pangarap. Okey lang naman kahit mahirap pa rin tayo hanggang sa ngayon, basta ang mahalaga ay naghahanap-buhay tayo ng parehas at hindi gumagawa ng masama para lang may masarap na pagkaing maihanda. Aanhin naman natin ang masasarap na pagkain kung galing naman sa masama at panlalamang sa kapwa? Yung iba kasi, para lang may maihandang masarap na pagkain sa Pasko at Bagong Taon ay gumagawa na ng kakaibang teknik para lang may mapagsaluhan ang kanilang pamilya. Nandyan yung manlalamang sa kapwa, para lang may pera na pambili ng pagkain at ang iba, ay mga pantustos lang pala sa kanilang mga bisyo ( shabu pa more ). Ngunit ang pinakamasakit sa mga ganitong uri ng paghahanap-buhay ay wala na silang pakialam sa magiging mga biktima nila.  Sana isipin din naman ng mga ito, na iyong mga tao na dinadaya o ninanakawan n...

Ang Kasakiman ng Tao

Imahe
May mga tao talagang hindi na marunong makuntento sa buhay, kahit nasa kanila na ang lahat, gaya ng salapi at kapangyarihan. " Kapangyarihan ," gaya ng mga politiko at mga mayayamang tao sa mundo. Makapangyarihan sila dahil sa kanilang salapi at puwesto sa politika. Magagawa at mabibili nila ang lahat kahit pa ang batas, lalo na, kung may butas. Wala namang masama kung ang kayamanan na mayroon tayo ngayon ay galing sa ating mga pagsisikap at sa patas na paghahanapbuhay.  Ngunit, paano nalang kung ang kayamanan na nakamtan ay galing sa pagnanakaw at pandaraya? Gaya na lamang ng mga magnanakaw sa gobyerno. Halimbawa na lamang, ang mga opisyales ng Philhealth na nagnakaw sa ating pondo? Ang kakapal ng mga mukha dahil kahit sa panahon ng pandemya ay nakuha pang magnakaw ng mga hinayupak!  Alam naman nilang marami sa ating mga Pilipino ang naghihirap dahil sa lockdown na ipinapatupad ng gobyerno. Marami ang nawalan ng trabaho at negosyo pero ang mga animal nak...

π˜½π˜Όπ˜½π˜Όπ™‡π˜Ό! π™ƒπ™π™’π˜Όπ™‚ π™ˆπ™Š π™„π™π™Šπ™‰π™‚ π˜½π˜Όπ™Žπ˜Όπ™ƒπ™„π™‰!

Imahe
π˜½π˜Όπ˜½π˜Όπ™‡π˜Ό! π™ƒπ™π™’π˜Όπ™‚ π™ˆπ™Š π™„π™π™Šπ™‰π™‚ π˜½π˜Όπ™Žπ˜Όπ™ƒπ™„π™‰! May isang lalaking nakapulot ng isang kakaibang libro, simple lamang ang pagkakagawa nito at mukhang pinaglumaan na ng panahon. Tinahi lamang ang mga gilid, kulay kayumanggi na ang mga papel at may taling nakapulupot dito na mukhang yari lamang sa isang dahon ng halaman.  Sa harapan ng libro ay may malaking nakasulat:                π™ƒπ™ͺπ™¬π™–π™œ 𝙒𝙀 π™žπ™©π™€π™£π™œ π™—π™–π™—π™–π™¨π™–π™π™žπ™£!                         [ᴉsᴉunΙ―dɐuΖƒ lᴉqΙΉo] Hindi ordinaryong tinta ang pinangsulat sa librong iyon dahil kulay pula ang mga ito at may kakaibang amoy. Dala ng lubusang pagtataka kung ano ba ang mayroon sa librong iyon ay agad niyang hinila ang taling nakapulupot sa libro at binuklat niya na ito at sinimulan nang basahin. Sa unahang pahina nito ay nakita niya ang mga katagang:                 π˜Όπ™£π™œ 𝙒?...