HAPPY NEW YEAR!
Happy New Year sa inyong lahat mga kabayan!
Lalo na sa mga katulad kong nagsisikap at naghahanap-buhay ng patas at parehas, alang-alang sa pamilya at sa mga pangarap.
Okey lang naman kahit mahirap pa rin tayo hanggang sa ngayon, basta ang mahalaga ay naghahanap-buhay tayo ng parehas at hindi gumagawa ng masama para lang may masarap na pagkaing maihanda.
Aanhin naman natin ang masasarap na pagkain kung galing naman sa masama at panlalamang sa kapwa?
Yung iba kasi, para lang may maihandang masarap na pagkain sa Pasko at Bagong Taon ay gumagawa na ng kakaibang teknik para lang may mapagsaluhan ang kanilang pamilya.
Nandyan yung manlalamang sa kapwa, para lang may pera na pambili ng pagkain at ang iba, ay mga pantustos lang pala sa kanilang mga bisyo (shabu pa more). Ngunit ang pinakamasakit sa mga ganitong uri ng paghahanap-buhay ay wala na silang pakialam sa magiging mga biktima nila.
Sana isipin din naman ng mga ito, na iyong mga tao na dinadaya o ninanakawan nila ay katulad din nilang mga mahihirap pero naghahanap-buhay ng tapat para lang may maipambiling pagkain sa kanilang pamilya.
At ang pinakamasakit pa sa pwedeng mangyari, ay nasasaktan nila ang kanilang mga biktima kundi naman ay napapatay pa, kung hindi naibibigay ang kanilang mga gustong makuha.
Isipin naman sana ng mga taong ito na naghahanap-buhay ng maayos ang kanilang mga biktima at may mga pamilya na naghihintay sa kanilang pag-uwi sa bahay.
Pero ang pinakamasakit para sa pamilya, kung ang taong hinihintay nila ay hindi na makakauwing buhay. Marami ang mga nangyayaring ganito maging araw man ng pasko, bagong taon o hindi.
May mga tao talagang likas ng masasama at mga walang awa, pangkaraniwan na sa kanila ang manlamang at ang manakit ng kapwa.
Eh, kung ang pagnakawan nalang kaya ninyo ay ang mga katulad din ninyong magnanakaw na nasa gobyerno baka matutuwa pa kami.
Mabuti nalang at mabait pa din ang Diyos dahil hindi na nya idinagdag ang mga ganitong uri ng tao sa gobyerno at sa politika.
Ano nalang kaya ang mangyayari kung ang mga ganitong uri ng tao ay nailagay sa mga ahensya ng gobyerno, eh di patay na tayong mga Pilipino, baka mas malulupet pa ang mga ito kesa sa mga korap ng Philhealth at sa iba pang mga ahensya ng gobyerno.
Paano naman kung naging mga politiko ang mga ito, naku, baka mas malulupet pa ito sa pamilyang Ampatuan na walang respeto sa buhay ng kapwa tao, mga angkan ng korap at ganid sa kapangyarihan at salapi.
Kaya mga kabayan, ang payo ko lang kung makakatagpo kayo ng ganitong uri ng tao, ibigay nalang ninyo ang gusto nila kaysa masaktan pa kayo o baka mapatay pa. Kasi ang mga materyal na bagay ay madali lang naman yan mapalitan kaysa naman buhay pa natin ang mawawala, paano na ang mga pamilya natin?
Puwera nalang kung magaling kayo sa Martial arts o self defense, aba'y kung magkaganun 'wag na kayo mag-alinlangan pa, "lumpuhin" nyo na! Kesa naman mabalikan pa kayo o baka makapambiktima pa ito ng iba.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento