Ang Kasakiman ng Tao


May mga tao talagang hindi na marunong makuntento sa buhay, kahit nasa kanila na ang lahat, gaya ng salapi at kapangyarihan.

"Kapangyarihan," gaya ng mga politiko at mga mayayamang tao sa mundo. Makapangyarihan sila dahil sa kanilang salapi at puwesto sa politika.

Magagawa at mabibili nila ang lahat kahit pa ang batas, lalo na, kung may butas.

Wala namang masama kung ang kayamanan na mayroon tayo ngayon ay galing sa ating mga pagsisikap at sa patas na paghahanapbuhay. 

Ngunit, paano nalang kung ang kayamanan na nakamtan ay galing sa pagnanakaw at pandaraya? Gaya na lamang ng mga magnanakaw sa gobyerno.

Halimbawa na lamang, ang mga opisyales ng Philhealth na nagnakaw sa ating pondo? Ang kakapal ng mga mukha dahil kahit sa panahon ng pandemya ay nakuha pang magnakaw ng mga hinayupak! 

Alam naman nilang marami sa ating mga Pilipino ang naghihirap dahil sa lockdown na ipinapatupad ng gobyerno.

Marami ang nawalan ng trabaho at negosyo pero ang mga animal nakuha pang magnakaw at magpakasasa sa pera na pinaghirapan at pinagpaguran nating iambag sa ating mga Philhealth contribution. Mga Putang-ina!

Alam ko namang hindi ito mababasa ng mga korap at mukhang pera sa Philhealth, pero gusto ko pa rin silang murahin dahil simula nang itatag ang Philhealth noong 1995 ay nakapagbigay na ako ng contribution dahil employed na ako noon pang 1994. 

Oh, di ba? "PUTANG-INA NYO!"

Hindi lang naman sa Philhealth ang may mga magnanakaw, kundi pati na rin sa iba pang ahensya ng gobyerno, napakarami ang magnanakaw. Maraming mga kawani at mga opisyales ng gobyerno ang magnanakaw pati mga politikong korap, madaling suhulan at mga mukhang pera!

Ang masaklap nito ay pera nating mga mamamayan, nating mga nagbabayad ng tamang buwis, ang ninanakaw ng mga korap sa gobyerno at mga politikong walang puso at konsensya at mga masisiba sa pera! 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ganid sa Kapangyarihan

π˜½π˜Όπ˜½π˜Όπ™‡π˜Ό! π™ƒπ™π™’π˜Όπ™‚ π™ˆπ™Š π™„π™π™Šπ™‰π™‚ π˜½π˜Όπ™Žπ˜Όπ™ƒπ™„π™‰!