Ganid sa Kapangyarihan
Credit: CNN Philippines |
Ngunit, ang iilan sa kanila ay kabilang sa mga Politikong ganid at uhaw sa kapangyarihan!
Mga walang pakialam sa buhay ng ibang tao, basta't gagawin ang lahat kahit sa hindi tamang pamamaraan 'wag lamang mawala sa kanila ang itinuturing nilang "kapangyarihan."
Ang Politika!
Ganito, ang mga nasa utak ng pamilya Ampatuan (hindi ko nilalahat), lalo na doon sa tatlong itlog na bugok, walang iba, kundi ang mag-aamang mamamatay-taong Ampatuan, ang mga kilalang warlord daw ng Maguindanao!
Pweeeee!
Gusto kong duraan ng plema ang mga pagmumukha nyo!
Hindi na natin kailangang irespeto ang mga putang-inang mag-aama na'to!
Bakit?
Noon bang pinatay at minasaker nila ang may 58 katao ng walang kalaban-laban, sa palagay nyo may respeto at awa silang nararamdaman sa buhay ng mga biktima?
Sigurado akong, Wala! Wala! Wala!
Ang pamilyang ito kasi ay gustong maghari sa Maguindanao, ang gusto nila ay katakutan sila ng lahat ng mga tao, lalo na sa mga kalaban nila sa politika. At ang boses daw ng mga Ampatuan ay batas ng Maguindanao, hahahaha..... Mga ulol!
Balak pa nga daw ito magtatag ng Ampatuan Republic sa Maguindanao, hi hi hi hi hi.... Lihim naman akong natawa ng kaunti, napaka-ambisyoso ng mga gung-gong!
Kaya lang naman malakas ang loob ng pamilyang ito dahil kasanggang dikit nila ang dating administrasyon ni Pandakekang, kumbaga binibeybi ito ni Pandakekang dahil sa laki ng naitulong nito noong "hello, Garci scandal."
Hello, Garci ang dagdag, ang dagdag..........
At sabi ng iba, na iyong pagkakidnap ni Garci ay hindi naman daw kagagawan ng mga MILF na kanilang ipinapalabas, kundi ay mga Ampatuan ang mga may gawa para itago si Garci at para makaiwas sa mga imbestigasyon.
TANGINA!
Kaya sa kakabeybi ni Pandakekang, yung beybi nya ay naging isang garapal na halimaw.
Mantakin nyo 58 katao ang pinatay at karamihan pa mga media at mga kababaihan, na wala namang kinalaman sa politika, kundi ay ginawa lamang nila ang kanilang mga trabaho at tungkulin bilang mga mamamahayag.
Mga mamamahayag na naghahanapbuhay ng maayos at marangal para sa kinabukasan nang kani-kanilang mga pamilya, ngunit sa isang iglap lamang ay pati ang kanilang mga buhay ay ninakaw ng mga asal demonyo at ganid sa kapangyarihan.
Sabi pa ni Mangudadatu, akala daw niya ay ligtas na sila dahil ayon pala sa batas ng Islam ay "bawal saktan ang mga kababaihan."
Hindi na sila nakuntento sa kanilang bilyun-bilyong kayamanan, mga magagarang mansyon na galing naman sa pangungurakot, tandaan po natin na mayroong mahigit sa 20 magagarang mansyon ang pamilyang ito.
At halos ay hawak ng pamilya nito ang Politika sa Maguindanao, kung hindi naman miyembro ng pamilya nila ang nakaupo ay siguradong mga kakampi nila ang mga ito. Pati ang pulisya at militar ay malakas din ang impluwensya ng mga Ampatuan dito.
Dahil, kung hindi ka nila kakampi siguradong dedbol ka! "Kagaya ng ginawa nila sa mga supporter ng mga Mangudadatu."
Pati pangalan ng mga lugar sa Maguindanao ay nakapangalan din sa mga bigating pamilya Ampatuan. Ganyan umasta ang pamilyang ito na akala mo mga dios! Kunsabagay dios pa rin naman ang tawag sa kanila, "dios ng kasakiman."
Kung puwede lang naman sana ay alisin na sa pangalan ng pamilya Ampatuan ang mga nakapangalang lugar sa mga miyembro ng pamilya nito, dahil walang mga karapatan ang katulad nilang mga mamamatay-tao na alalahanin at parangalan ang kani-kanilang mga pangalan na kanila mismong dinungisan.
Kung puwede ay palitan na lamang ng isa sa mga biktima ang mga lugar na nakapangalan sa mga Ampatuan, upang habambuhay nilang maaalala ang kanilang mga kahayupang pinanggagawa.
Iisa lang naman ang dahilan kaya nagawa ito ng mga Ampatuan, walang iba kundi ang kanilang sobrang kasakiman sa kapangyarihan. Asta kasi itong mga dios sa Maguindanao na akala nila ay wala nang katapusan ang kanilang mga kasamaan.
Ngayon ay itinulot na ng tunay na Dios na wakasan ang kanilang kademunyuhan at paghahasik ng kasamaan sa Maguindanao.
Sana sa administrasyon ni Pangulong Duterte ay walang makakalaya kahit isa sa mga suspek ng Maguindanao massacre, 'wag naman sana magaya sa pagpapalaya kina GMA, na-Dinggoy at Budots.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento