Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2020

Ang Kasakiman ng Tao

Imahe
May mga tao talagang hindi na marunong makuntento sa buhay, kahit nasa kanila na ang lahat, gaya ng salapi at kapangyarihan. " Kapangyarihan ," gaya ng mga politiko at mga mayayamang tao sa mundo. Makapangyarihan sila dahil sa kanilang salapi at puwesto sa politika. Magagawa at mabibili nila ang lahat kahit pa ang batas, lalo na, kung may butas. Wala namang masama kung ang kayamanan na mayroon tayo ngayon ay galing sa ating mga pagsisikap at sa patas na paghahanapbuhay.  Ngunit, paano nalang kung ang kayamanan na nakamtan ay galing sa pagnanakaw at pandaraya? Gaya na lamang ng mga magnanakaw sa gobyerno. Halimbawa na lamang, ang mga opisyales ng Philhealth na nagnakaw sa ating pondo? Ang kakapal ng mga mukha dahil kahit sa panahon ng pandemya ay nakuha pang magnakaw ng mga hinayupak!  Alam naman nilang marami sa ating mga Pilipino ang naghihirap dahil sa lockdown na ipinapatupad ng gobyerno. Marami ang nawalan ng trabaho at negosyo pero ang mga animal nakuha pang

𝘽𝘼𝘽𝘼𝙇𝘼! 𝙃𝙐𝙒𝘼𝙂 𝙈𝙊 𝙄𝙏𝙊𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙎𝘼𝙃𝙄𝙉!

Imahe
𝘽𝘼𝘽𝘼𝙇𝘼! 𝙃𝙐𝙒𝘼𝙂 𝙈𝙊 𝙄𝙏𝙊𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙎𝘼𝙃𝙄𝙉! May isang lalaking nakapulot ng isang kakaibang libro, simple lamang ang pagkakagawa nito at mukhang pinaglumaan na ng panahon. Tinahi lamang ang mga gilid, kulay kayumanggi na ang mga papel at may taling nakapulupot dito na mukhang yari lamang sa isang dahon ng halaman.  Sa harapan ng libro ay may malaking nakasulat:                𝙃𝙪𝙬𝙖𝙜 𝙢𝙤 𝙞𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙗𝙖𝙨𝙖𝙝𝙞𝙣!                         [ᴉsᴉunɯdɐuƃ lᴉqɹo] Hindi ordinaryong tinta ang pinangsulat sa librong iyon dahil kulay pula ang mga ito at may kakaibang amoy. Dala ng lubusang pagtataka kung ano ba ang mayroon sa librong iyon ay agad niyang hinila ang taling nakapulupot sa libro at binuklat niya na ito at sinimulan nang basahin. Sa unahang pahina nito ay nakita niya ang mga katagang:                 𝘼𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖 𝙧𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙮                          𝙨𝙪𝙢𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜𝙠𝙞𝙣 Hindi niya ito pinansin, bagkus ay nagpatuloy lang si